Kinilala ng pulis-San Pascual, ang napatay na biktimang si Carine Dimayacyac, 3rd year nursing student sa Golden Gate General Colleges, samantalang nasa kritikal na kondisyon naman ang nakababata nitong kapatid na si Rina Dimayacyac.
Nagtamo ng maraming saksak ng patalim sa katawan ang nakatatandang si Carine matapos saklolohan ang nakababatang kapatid na si Rina.
Napag-alamang nadatnan sa kanilang bahay ang utol na si Rina na sinasaksak ng boyfriend dahil sa pakikipaghiwalay matapos ang isang mainitang pagtatalo.
Lumitaw sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya na naghuramentado ang 18-anyos na suspek na si Charison Carpasio na isa ring nursing student sa Golden Gate Colleges matapos makipag-break dito ang girlfriend niyang si Rina.
Sa isinagawang follow-up operations ng pulisya, arestado naman si Carpasio matapos magtago sa kanyang boarding house at inabutan ng mga awtoridad habang nag-iimpake ng mga damit at planong tumulak sa bayan ng Pola, Oriental Mindoro para magtago. (Arnell Ozaeta)