^

Probinsiya

Negosyanteng Koreano kinatay

-
ANGELES CITY – Pinagtulungang tagain hanggang sa mapaslang ang isang 50-anyos na negosyanteng Koreano ng dalawang hindi kilalang lalaki sa naganap na karahasan sa inuupahang apartment ng biktima sa kahabaan ng Jasmin Street sa Hensonville Subdivision, Angeles City kamakalawa ng umaga.

Ang biktimang tatlong taong nanirahan sa Pinas bilang turista at may iba’t ibang negosyong kahina-hinala ay nakilalang si Fran cis Yim, ayon kay P/Senior Supt. Policarpio Segubre, provincial director.

Ayon sa pulisya, walang anumang mahalagang gamit sa bahay o malaking halaga ang tinangay ng mga suspek matapos na paslangin si Yim sa harap ng ka-live-in partner nito at ilang kasambahay.

Napag-alamang pumasok sa tinutuluyang apartment ng biktima ang mga suspek na armado ng mahabang itak at patalim saka iginapos ang ka-live-in ng Koreano at ilang katulong.

Agad na tinungo ng mga suspek ang master’s bedroom na kinaroroonan ng biktima.

Nabatid na nakipagbuno pa ang biktima sa mga suspek sa harap ng mga nakagapos na kasambahay, subalit nanaig ang lakas ni kamatayan.

Kasalukuyang sinisilip ng pulisya ang anggulong may kaugnayan sa negosyo ng biktima ang isa sa motibo ng krimen. (Ric Sapnu)

vuukle comment

ANGELES CITY

AYON

FRAN

HENSONVILLE SUBDIVISION

JASMIN STREET

KOREANO

POLICARPIO SEGUBRE

RIC SAPNU

SENIOR SUPT

YIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with