ARMM polls guguluhin ng Sayyaf
- Joy Cantos () - August 8, 2005 - 12:00am
CAMP AGUINALDO – Guguluhin ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang itinakdang halalan ngayong araw (Agosto 8) ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Bunga nito, isinailalim sa ‘full alert’ ang AFP at PNP sa buong Mindanao Region kung saan 7,000 pulis ang ipinakalat sa ARMM habang lahat namang units o libu-libong mga sundalo na nakakasakop sa lugar ay mahigpit na magbabantay sa pagdaraos ng halalan dito.

Ang hakbang ay upang hindi na maulit pa ang mga pambobomba sa Mindanao Region partikular na sa eleksyon sa ARMM bunga na rin ng pagpapasabog sa Koronadal City at compound ng ARMM sa Cotabato noong nakaraang Agosto 6.

Ayon kay Joint Task Force HOPE (Honest, Orderly and Peaceful Elections) Commander Brig. Gen. Mohammad Ben Dolorfino may ilang mga pulitiko sa Maguindanao ang pilit nakikiusap na sa kampo ng militar isagawa ang canvassing pero tinanggihan niya ito upang hindi na makaladkad pa ang AFP sa larangan ng pulitika.

Kabilang sa mga lugar na nasasakupan ng ARMM ay ang Basilan, Tawi-Tawi, Maguindanao, Sulu at Lanao del Sur.

Samantala, ilang grupo ng mga ‘foreign observers’ kabilang ang mga kinatawan ng Estados Unidos ang nasa Mindanao upang magmasid at suportahan ang demokratikong proseso ng halalan sa bansa.

Nabatid na isang grupo mula sa Joint Military Advisory Group (JUSMAG) na kinabibilangan nina American Military at Political Officers Joe Saus, Ruth Urry at iba pang delegado ng US Embassy ang naglilibot sa Marawi City, Lanao del Sur.

Nanawagan si Dolorfino sa mga residente na lumabas at bumoto at maging mapagbantay upang matiyak na mabibilang ang kanilang mga boto.

ABU SAYYAF GROUP AGOSTO AMERICAN MILITARY AUTONOMOUS REGION COMMANDER BRIG ESTADOS UNIDOS JOINT MILITARY ADVISORY GROUP JOINT TASK FORCE MINDANAO REGION
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with