Kinilala ni P/Senior Supt. Benjardi Mantele, Cavite provincial director, ang biktimang si Carry Chua, 50, may-ari ng pataniman ng orchids sa Barangay Alapan 2B sa nabanggit na bayan.
Sa ulat ni Mantele, sapilitan isinama ng tatlong hindi kilalang kalalakihan ang negosyanteng babae habang nag-aayos ng mga orchids at isinakay sa pag-aari nitong Toyota Revo na may plakang WTG-168 na tumakas sa di matukoy na direksyon bandang alas-9 na umaga.
Walang tawag sa telepono na natatanggap ang pamilya ng biktima mula sa mga kidnaper na pinaniniwalaang may kaugnayan sa negosyo ni Chua. (Ulat ni Arnell Ozaeta)