Naglaro ng baril, binata natodas

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Isang 21-anyos na binata ang kumpirmadong nasawi makaraang maputukan sa ulo ang biktima dahil sa paglalaro ng baril sa bahay ng kanyang kaibigan sa Barangay Sta. Cruz sa bayan ng Baao, Camarines Sur kahapon ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa Mediatrix Hospital sa Iriga City ang biktimang si Jerico Rogel Aglugub Jr. ng Barangay San Vicente. Inaalam pa ng pulisya kung saan galing ang baril na pinaglaruan ng biktima. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments