Ambush: Mag-amang trader dedo

NASUGBU, Batangas – Dead-on-the-spot ang mag-amang trader na nagmo-motorsiklo makaraang tambangan ng mga hindi kilalang lalaki sa highway na sakop ng Sitio Kaylungan, Barangay Banilad, Nasugbu Batangas kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ni Supt. Juanito Gamboa, chief of police, ang mga biktimang sina Agapito Katigbak, 54 at ang kanyang anak na si Francis, 22, ng Rillo St. Tuy, Batangas.

Ayon sa ulat, bandang alas-4:30 ng tambangan ang mag-ama at masagasaan naman ng parating na Toyota Hi-Ace na may plakang VAR-727.

Sumuko naman ang driver ng nasabing sasakyan na nakilalang si Leoncio Caldo, 56, ng Balayan, Batangas. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

Show comments