Brgy. kagawad, 1 pa timbog sa illegal logging

Balanga City, Bataan – Arestado ang isang barangay kagawad at kapatid nito matapos na mahulihan ng 300 board feet ng troso sa kanilang bakuran sa General Lim, Orion Bataan noong Biyernes.

Ang mga ito ay nakilalang sina Brgy. Kagawad Serafio Vargas at kapatid na si Danilo.

Nabatid na nagsagawa ng search and seizure operation ang mga tauhan ng pulisya at Department of Enviroment and Natural Resources laban sa mga suspek batay na rin sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Benjamin Vianzon ng RTC.

Pansamantalang inilagak ang nakumpiskang troso kay Brgy. Chairman Mamerto Mamitag habang inihahanda naman ng pulisya ang kasong illegal logging. (Ulat ni Raffy Viray)

Show comments