Tinedyer pinatay ng 2 kabataan

CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – May posibilidad na alitan ng magkalabang grupo ang naging dahilan kaya binaril at napatay ang isang 14-anyos na lalaki ng dalawang kabataan sa naganap na karahasan sa Barangay Maderan, General Mariano Alvarez, Cavite kamakalawa. Idineklarang patay sa Medicare Community Hospital si Ronnie Robles ng nabanggit na barangay, samantalang tinutugis naman ng pulisya ang dalawang suspek na sina: Jomar de Jesus at Joecris Reunir na kapwa naninirahan sa Barangay Ramon Cruz ng nasabing bayan. Ayon sa ulat ng pulisya, ang biktima ay binoga ng pengun sa dibdib bandang alas-12:40 ng madaling-araw makaraang masalubong ang dalawa. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments