Bayan Muna coordinator nilikida

CAMP CRAME – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 40-anyos na coordinator ng grupong Bayan Muna ng dalawang hindi kilalang lalaki na nakamotorsiklo habang ang biktima ay bumibili ng ulam malapit sa kanilang bahay sa Barangay Bukal, Pagbilao, Quezon kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa panga at leeg ang biktimang si Mercy Cabatao ng Peninsula Homes ng naturang bayan. Magugunita na noong Abril 29 ay napatay din si Roger Perez, chairman ng local chapter ng Bayan Muna sa Pagbilao, Quezon at ang asawa nitong si Tina ay malubhang nasugatan. May teorya naman ang pulisya na iisang grupo ng killer ang bumanat kina Cabatao at Perez. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments