Tinedyer inararo ng kotse

LEGAZPI CITY Isang 21-anyos na binata ang iniulat na nasawi habang lima naman ang nasugatan makaraang araruhin ng kotse habang naglalakad sa gilid ng kalsada na sakop ng Barangay Sagpon sa lungsod na ito kahapon. Idineklarang patay sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang biktimang si John Rey Arganda, samantalang ginagamot naman sina: Bienvy Ponombaret, Norman Dellos, Carlo Auchoso, Alexandro Oliver at Mark Francisco na pawang estudyante.

Agad namang dinakip ng pulisya ang drayber ng Toyota Land Cruiser na may plakang DDM-260 na si Misael Matmorosa ng Barangay Ilawod, Daraga, Albay. Naitala ng pulisya ang sakuna dakong alas-12:15 ng tanghali habang ang mga biktimang namasyal sa bahay ng kanilang kaibigan ay masayang naglalakad sa gilid ng naturang kalsada. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments