Baklang trader tinodas ng lover

TAYTAY, Rizal – Isang negosyanteng bading ang pinaniniwalaang pinatay ng kanyang lover makaraang matagpuan itong basag ang bungo at tadtad ng saksak sa katawan sa Barangay Muzon ng bayang ito kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima ay nakilalang si Ariel Domingo, 41, may-ari ng garments factory at residente ng National Road, Garcia Compound, Brgy. Muzon ng bayang ito.

Samantala, pinaghahanap na ng pulisya ang suspek na si Don-Don Francisco, caretaker ng nasabing pabrika at pinaniniwalaang lover ng biktima.

Sa ulat, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-4 ng madaling-araw ng kanyang katiwala sa shop na hindi na binunyag ang pangalan sa 28 San Victores Compound ng nasabing barangay.

Bago ang insidente, narinig ng katiwala na nagtatalo ang biktima at suspek tungkol sa pera.

Hanggang makarinig ang katiwala ng malakas na sigaw mula sa kinaroroonan ng dalawa.

Agad nagtungo ang katiwala, nagulat ito nang makasalubong ang suspek na duguan ang damit at papaalis sa lugar.

Napag-alaman din sa imbestigasyon na ninakaw ng suspek ang pera at cellphone ng biktima bago tuluyang tumakas. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments