^

Probinsiya

Barangay chairman itinumba

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ang isang barangay chairman ng magkakapatid na lalaki habang ang biktima ay naglalakad papauwi sa Barangay Ubongan, Baleno, Masbate kamakalawa ng gabi. Duguang iniwan ang biktimang si Salvador Launo, samantalang tinutugis naman ang mga suspek na sina Joseph, Jimaor at Bong bong Rapsing na pawang residente ng Barangay Pulot.

Napag-alaman sa imbestigasyon ng pulisya na katatapos pa lamang magronda ng biktima bandang alas-10 ng gabi at nagpaalam sa kanyang mga kasamahan hanggang sa harangin ng mga suspek. May teorya ang pulisya na matinding galit ang umiral sa mga suspek kaya pinaslang ang biktima. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BALENO

BARANGAY PULOT

BARANGAY UBONGAN

DUGUANG

ED CASULLA

JIMAOR

LEGAZPI CITY

MASBATE

NAPAG

SALVADOR LAUNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with