^

Probinsiya

Kano, misis na Pinay hinoldap bago tinodas

-
QUEZON – Isang Amerikano at misis na Pinay ang iniulat na pinatay matapos na holdapin ng mga hindi kilalang kalalakihan at inihulog pa ang mga bangkay sa ilog na sakop ng Barangay Bihiya Tiaong kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Police Superintendent Macario Absalon, hepe ng pulisya sa nasabing bayan ang mga biktimang sina Donald Ujen Wilson, tinatayang may edad na 40-anyos ng 12 West Maryland, Cubao, Quezon City.

Kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang pangalan ng kasama nitong Pinay na walang nakuhang mapagkikilanlan sa kanyang katawan. Ito ay mahaba ang buhok, maputi at posibleng may edad 20 hanggang 30-anyos.

Sa paliwanag ni Absalon, natagpuan ang dalawang bangkay bandang alas-9 ng gabi na halos isang metro ang layo sa isa’t isa at kapwa may tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

May palagay ang pulisya na hinoldap at pinatay ang dalawa bago itinapon sa Barangay Bihiya para iligaw ang pulisya sa imbestigasyon. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

ABSALON

BARANGAY BIHIYA

BARANGAY BIHIYA TIAONG

DONALD UJEN WILSON

ISANG AMERIKANO

PINAY

POLICE SUPERINTENDENT MACARIO ABSALON

QUEZON CITY

TONY SANDOVAL

WEST MARYLAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with