^

Probinsiya

Brgy.chairman itinumba sa restaurant

-
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 45-anyos na barangay chairman ng isang miyembro ng Civil Security Unit (CSU) habang ang biktima ay umiinom ng alak sa loob ng restaurant sa Barangay Bayang Luma, Imus, Cavite kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Nestor Cuenca, may asawa ng Plaridel Subdivision ng naturang lugar, samantala, agad namang sumuko ang suspek na si Samuel Monzon, 46, may asawa.

Base sa ulat ni P/Supt. Leo Francisco, police chief sa bayan ng Imus, naitala ang krimen bandang alas-8 ng gabi sa loob ng Dimo Marich restaurant.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, bago maganap ang pangyayari ay dinatnan ng biktima ang suspek na nag-iinuman ng alak kasama ang ilang kaibigan sa nasabing restaurant.

Hindi binanggit sa ulat ng pulisya kung sino ang unang lumapit pero ayon sa ilang saksi sa pangyayari ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril.

Dito na bumulagta ang duguang biktima habang ang suspek naman ay agad na sumuko sa mga awtoridad. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

vuukle comment

AYON

BARANGAY BAYANG LUMA

CAVITE

CIVIL SECURITY UNIT

CRISTINA G

DIMO MARICH

LEO FRANCISCO

NESTOR CUENCA

PLARIDEL SUBDIVISION

SAMUEL MONZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with