4 suspek sa tangkang pagpatay kay Parson timbog

CAMP CRAME – Apat na kalalakihan na pinaniniwalaang suspek sa tangkang pagpatay kay dating action star Sonny Parsons ang iniulat na nalambat ng mga awtoridad sa Barangay San Andres, Cainta, Rizal kahapon ng madaling-araw.

Sa ipinalabas na warrant of arrest ni Judge Teresito Andoy ng Cainta Municipal Trial Court, dinakip sina Michael Sicat, 27; Romeo Sicat, 32; Jessie Villaran at Esteven Reyes.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang mga suspek ay nsakote sa kanilang safehouse sa nabanggit na barangay dakong alas-4:30 ng madaling-araw.

Narekober ng pulisya mula sa mga suspek ang tatlong baril, 10 gramo ng shabu at kotseng Nissan Sentra na pag-aari ng isang board member ng Rizal.

Napag-alaman ng pulisya na ang mga suspek ay sangkot din sa iba’t ibang kaso sa Rizal at karatig lungsod ng Maynila. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments