Pulis nilikida ng NPA

PULILAN, Bulacan – Isang pulis na lulan ng kanyang motorsiklo ang tinambangan ng mga hinihinalang miyembro ng New Peoples Army (NPA) kahapon ng umaga sa bayang ito.

Ang bitkima ay nakilalang si SPO3 Juanito Valenzuela, nakatalaga sa intelligence section ng Pulilan PNP, 50, may-asawa at nakatira sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat na tinanggap ni Supt. Buenaventura Viray, Pulilan police chief, bandang alas-8 ng umaga habang lulan ng kanyang motorsiklo ang biktima pauwi sa kanilang bahay galing sa istasyon ng biglang paulanan ito ng bala ng mga hinihinalang NPA na lulan ng Mitsubishi van sa NIA Road, Bgy. Balatong B ng bayang ito.

Nag-iwan pa umano ang mga salarin ng mga polyeto ng kilusan upang ipabatid na sila ang nasa likod ng paglikida sa nasabing pulis.

Hindi naman naniniwala ang pamilya ng biktima na NPA ang nasa likod ng pamamaslang sa biktima kundi mga grupong may kinalaman sa pagkakalat ng droga sa nasabing bayan. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments