^

Probinsiya

Mag-asawa inambus, ginang patay

-
AROROY, Masbate – Pinalalagay na alitan sa lupain ang naging ugat ng kamatayan ng isang 28-anyos na misis, samantala, ang mister nito ay malubhang nasugatan makaraang tambangan ng hindi kilalang armadong lalaki habang ang mag-asawa ay patungo sa sementeryo kamakalawa ng gabi sa Barangay San Isidro sa bayang ito.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Sacred Heart Clinic si Josie Geris, samantala, nasa kritikal na kondisyon naman ang asawang si Jesus Geris, 30 at kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Naganap ang krimen bandang alas-7 ng gabi habang naglalakad ang mag-asawa patungo sa puntod ng kanilang mahal sa buhay.

May teorya ang pulisya na may matinding galit sa mag-asawa ang killer kaya nagawa ang krimen. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

ASAWA

BARANGAY SAN ISIDRO

ED CASULLA

JESUS GERIS

JOSIE GERIS

MASBATE

NAGANAP

PINALALAGAY

SACRED HEART CLINIC

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with