2 kilabot na ‘tulak’ tiklo sa buy-bust

KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan – Dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang nasa "order-of-battle" ng pulisya ang dinakip sa isinagawang buy-bust operation sa St. Niño St., Brgy. Poblacion, Bustos, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Louie "Loy" Inosanto, 32, ng Brgy. Pulo, San Rafael, Bulacan at Ronaldo Esguerra, 39, ng Brgy. Tartaro, San Miguel.

Naisagawa ang buy-bust operation ng mga tauhan ni P/Sr. Insp. Prudencio Legaspi bandang alas10:30 ng gabi makaraang magpanggap na poseur buyer ang isang pulis sa dalawa. Narekober sa mga suspek ang 56.6 gramo ng shabu, shotgun at Mitsubishi Adventure (CRX-578). (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments