Lolo na balak mang-rape tinodas

DARAGA, Albay – Isang 70-anyos na lolo ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay makaraang tangkaing gahasain nito ang misis ng kanyang kapitbahay sa Brgy. Banag sa bayang ito kahapon ng madaling-araw.

Ang lolo na nagtamo ng 30 saksak ng patalim sa katawan ay kinilalang si Domingo Mendia, biyudo, samantala, ang tinangkang gahasain na sumuko naman sa pulisya ay nakilalang si Amelia Mafrona, 28, ng Brgy. Alcala sa bayang ito.

Sa ulat ni P/Supt. Genesius Molto, hepe ng pulisya sa bayang ito, naitala ang krimen dakong alas-10:30 ng gabi makaraang harangin at kaladkarin sa loob ng bahay ng lolo ang misis habang naglalakad papauwi ngunit nanlaban ang babae. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments