45 barangays kontrolado ng NPAs

SAN FERNANDO CITY, La Union – Tinatayang aabot sa apatnapu’t limang barangay sa Silangang Pangasinan at Ilocos Sur ang iniulat na lumalakas at dumarami ang mga nagiging rebeldeng New People’s Army (NPA) na may posibilidad na kontrolado na.

Ito ang ibinunyag ni P/Chief Supt. Arturo Lomibao, PNP director sa Region 1 makaraang bumisita si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa ginanap na Regional Peace and Order Council (RPOC) meeting.

Sinabi pa ni Lomibao na kahit pinag-iibayo ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ang operasyon laban sa mga rebelde ay patuloy na lumalakas at dumarami ang kanilang bilang.

Idinagdag pa ni Lomibao na posibleng maging banta sa seguridad sa nabanggit na rehiyon ang NPA kaya gumawa sila ng programang DILG 117 patrol hot line upang makatawag ang mga residente sa oras ng pangangailangan.

Maliban sa naturang programa ay nagre-recruit na ang kapulisan ng karagdagang 500 bagong pulis upang italaga sa Region 1. (Ulat ni Myds Supnad)

Show comments