Magkaibigang namiyesta, dinedo

LUCENA CITY – Isang magkaibigang lalaki na dumayo pa ng inuman sa pistahan ang iniulat na nasawi makaraang pagtulungang saksakin ng isang grupo ng kalalakihang lango sa alak sa Brgy. Mayao Crossing sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Rogelio Dudas, 27 at Ramil Nonida, 49 na kapwa residente ng Purok Anak Bagong Sinag, Brgy. Cotta at pinaniniwalaang napagtripang patayin ng kanilang kainuman sa hindi nabatid na dahilan.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, huling nakitang buhay ang magkaibigan na nakikipag-inuman sa isang grupo ng kalalakihan bago natagpuang patay ni Brgy. Kagawad Hermogenes Apat sa likod ng waiting shed sa Purok Atis dakong alas-3 ng hapon. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments