Barangay kagawad todas sa ambus

VILLASIS, Pangasinan – Isang barangay kagawad ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng tatlong hindi kilalang armadong kalalakihan sakay ng isang motorsiklo habang nagmamaneho ng kanyang owner type dyip sa kahabaan ng Brgy. Unsad noong Biyernes ng hapon sa bayang ito.

Ang biktima na binistay ng bala ng baril sa katawan ay nakilalang si Benedicto V. Fernandez, 55, may asawa ng nabanggit na barangay.

Sa ulat na isinumite kay Pangasinan PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Rodolfo Mendoza, kasalukuyang binabagtas ng biktima ang kahabaan ng provincial road nang lapitan ng nakasakay sa motorsiklo at sunud-sunod na pinaputukan na pinalalagay na binayaran ng hindi pa nakikilalang politiko. (Ulat ni Erickson Lovino)

Show comments