^

Probinsiya

Magsasaka tinodas sa harap ng asawa

-
RAGAY, Camarines Sur – Isang 34-anyos na magsasaka ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa harapan ng kanyang asawa sa loob ng kanilang bahay sa Barangay F. Simeon ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na nagtamo ng bala ng baril sa ulo ay nakilalang si Jaime Ferrer ng naturang lugar.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya, pinasok ng mga rebelde ang bahay ng mag-asawang magkasamang kumakain dakong alas-7 ng gabi at kaagad na pinaputukan ang biktima.

Kasalukuyang inaalam ng pulisya ang motibo ng mga rebelde sa pagpatay sa biktima. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY F

BIKTIMA

CAMARINES SUR

ED CASULLA

ISANG

JAIME FERRER

KASALUKUYANG

NAPAG

NEW PEOPLE

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with