^

Probinsiya

Asawa, 4 anyos anak kinatay ng sundalo

-
SAN ISIDRO, Isabela – Pinagtataga hanggang sa magkaputol-putol ang katawan at namatay ang mag-ina na asawa ng sundalo dahil sa napapabalitang may ibang kinakasamang lalaki ang asawa noong Linggo ng gabi sa Barangay Ramos East ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang mag-inang nasawi na sina Alicia Bruno, 26, at anak nitong si Julius Ceasar, 4-anyos ng naturang lugar.

Samantala, ang suspek na boluntaryong sumuko matapos ang dalawang araw kay Brig. Gen. Rodolfo Alvarado ng 5th IDs commanding general ay kinilalang si Army scout ranger Corporal Rey Bruno ng dreaded Striking Force ng Army’s 5th Infantry Division na nakabase sa bayan ng Gamu.

Nabatid sa ulat ni PNP Provincial Director C/Supt. James Melad na si Alicia ay nagtamo ng multiple hacks na naging dahilan upang maputol ang dalawang braso at kamay habang si Julius Caesar’s ay naputol ang dalawang braso dahil sa tadtad ng jungle bolo.

Napag-alaman na ang tropa ng militar na kinabibilangan ni Bruno ay bagong pulled out pa lamang sa war-torn sa Marag Valley na pinagkukutaan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA).

Nakatakdang mag-retraining at schooling ang suspek sa Division’s Training Center sa Brgy. Suyong sa Echague ng bayang ito ng mabalitaan nito na may ibang kinakasamang sundalo ang asawa.

Ayon sa mga testigong kapitbahay ng mag-asawa, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa dahil sa extra-marital affairs ni Alicia sa ibang lalaki hanggang sa maganap ang malagim na trahedya.

Natagpuan ang bangkay ng mag-ina ng ina ni Alicia na si Rosita Nazareno noong nakaraang Lunes ng umaga habang papasok ng bahay ng mga biktima.

Sinabi ng mga imbestigador na ang suspek ay nasa extreme fit of anger o kaya naman ay nagkaroon ng war shock kaya nagawa ang karumal-dumal na krimen. (Ulat ni Lito Salatan)

vuukle comment

ALICIA

ALICIA BRUNO

BARANGAY RAMOS EAST

CORPORAL REY BRUNO

INFANTRY DIVISION

JAMES MELAD

JULIUS CAESAR

JULIUS CEASAR

LITO SALATAN

MARAG VALLEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with