2 suspek sa Dacer nangangambang todasin

CAVITE — Dalawang pangunahing suspek sa brutal na pagkidnap at pagpatay kay PR man Salvador "Bubby" Dacer at sa driver nitong si Emmanuel Corbito ang nangangambang likidahin ng mga tauhan ng dalawang kilalang politiko sa nabanggit na lalawigan.

Ayon sa malapit na kaanak ng mga suspek na sina Jimmy Lopez at Alex Diloy, na hindi na mapagkatulog sa kanilang kinapipiitang bilangguan sa National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pangambang anumang oras ay likidahin sila kahit na nasa loob ng nasabing piitan.

Sina Lopez at Diloy ay positibong kinilalang mga tauhan ni PNP Supt. Teofilo Viña ng mga testigo na kasama sa pagpatay kina Dacer at Corbito noong Nob. 24 sa Brgy. Buna Lejos, Indang, Cavite. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments