Honasan, Tatad, tinuligsa ng mga Bikolano

LEGAZPI CITY – Halos hindi na nagsitulog ang mga Bikolano matapos ang naganap na botohan sa Senado patungkol sa pagbubukas ng ikalawang sobre na gagamitin sanang ebidensiya ng prosecution sa isinasagawang impeachment trial laban sa Pangulong Joseph Estrada.

Matapos ang naganap na botohan sa Senado binatikos ng maraming Bikolano sina Senator Gringo Honasan at Senator Francisco Tatad.

Kaugnay ng ganitong pangyayari, maraming mga paaralan sa lungsod ang nagdeklara nang walang klase bilang pagpapakita ng kanilang kilos-protesta. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments