^

Probinsiya

2 sundalo todas sa ambush ng NPA

-
BASUD, Camarines Norte – Dalawang miyembro ng Philippine Army ang kumpirmadong nasawi, samantalang apat ang malubhang nasugatan sa naganap na pananambang ng mga rebeldeng New People’s Army kahapon ng umaga sa Mt. Labo sa lalawigang ito.

Agad na nasawi sina Sgt. Alejandro Vicente at Sgt. Rogelio Boncile, kapwa miyembro ng 31st Infantry Battalion na nakatalaga sa Barangay Caaunan-Basud, samantalang ang apat na sugatan ay mabilis na isinugod sa pagamutan sa bayan ng Daet.

Nabatid na bandang alas-9:30 ng umaga, isang impormasyon ang nakarating sa Company Headquarters ng Philippine Army na nagsagawa ng pangha-harass ang may 60 miyembro ng NPA sa loob ng PNOC sa nabanggit na lugar.

Mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng militar at agad na ipinag-utos ng kanilang opisyal na magsagawa ng blocking force sa posibleng daanan ng mga NPA.

Biglang sumambulat ang kanilang sinasakyang Armor Personnel Carier APC, habang tinatahak nito ang kahabaan ng Barangay San Isidro, San Lorenzo Ruiz dahil sa mga nakatanim na bomba sa daan.

Agad na namatay ang dalawang militar sa lakas ng pagsabog ng nakatanim na landmine. Mabilis na pinaputukan ng mga nakaabang na NPA ang tropa ng pamahalaan. (Ulat ni Francis Elevado)

vuukle comment

ALEJANDRO VICENTE

ARMOR PERSONNEL CARIER

BARANGAY CAAUNAN-BASUD

BARANGAY SAN ISIDRO

CAMARINES NORTE

COMPANY HEADQUARTERS

FRANCIS ELEVADO

INFANTRY BATTALION

MABILIS

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with