^

Police Metro

Bedridden na senior, patay sa sunog

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 79-anyos na babaeng bedridden ang nasawi nang maiwan sa loob ng kanyang bahay na nasusunog sa Barangay Buting, Pasig City, Huwebes ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat, na-trap ang biktima sa kanyang silid at bigo siyang mailabas dahil sa kapal ng usok at init sa kabila ng pagsisikap na maisalba siya.

Nabatid na kasama ng biktima ang kanyang pamangkin, at caregiver na may kasamang anak.

Nabatid na isa sa rumesponde ang mismong barangay chairman ng lugar na si Jigs Servillon, pamangkin ng biktima.

Naganap ang sunog dakong ala-1:00 ng madaling araw sa E. Mendoza Street, Purok Aliw na umabot lang sa unang alarma at fire-under control pagsapit ng alas-2:00 at idineklarang fire-out alas 3:15 na kung saan ilang kabahayan ang nadilaan din ng apoy.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog at danyos na idinulot sa mga ari-arian.

SUNOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with