^

Police Metro

Alcantara: Co, nakatanggap ng 25% kickback mula sa flood control projects

Angie dela Cruz - Pang-masa
Alcantara: Co, nakatanggap ng 25% kickback mula sa flood control projects
Former Bulacan district engineer Henry Alcantara during the Senate Blue Ribbon Committee hearing on Sept. 18, 2025
The Philippine STAR/Jesse Bustos

Nang maging House Speaker si Romualdez…

MANILA, Philippines — Sa pagtestigo nitong Martes ni dating Department of Public Works and Highways Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara sa Sandiganbayan Third Division para sa bail hearing sa kasong plunder case ni Romualdez ay inihayag nito na humihirit ng dagdag na 5 percent na commitment fees para sa infrastructure projects si dating Ako Bicol party-list Representative Zaldy Co matapos mahalal na House Speaker si Romualdez noong 2022.

Anya, mula sa 20 percent na kickback ay nais ni Co na gawin itong 25 percent bago pa man ilatag ang 2023 National Expenditure Program (NEP).

Ayon kay Alcantara, pinagsama-sama niya ang mga kahilingan para sa mga proyekto sa isang “regular wishlist” at isinumite sa DPWH Central Office para maisama sa NEP at sisimulang ibigay ang mga kickback kapag nakapaloob na sa NEP ang mga naturang proyekto.

Inilarawan din ni Alcantara ang hiwalay na wishlist para sa mga proyekto na isinusumite sa bicameral conference committee at ibibigay ang natitirang balanse ng commitment fees kay Co kapag naisama na ang mga proyekto sa General Appropriations Act.

Ayon kay Alcantara, nakadepende sa mga napagkasunduan nina Co at ng mga mambabatas ang anumang ganitong transaksyon.

Ipinaliliwanag nito ang umano’y paghahatid ni Co ng mga maleta na puno ng pera sa mga mambabatas, kabilang si Romualdez ay pamamagitan ng kanyang mga dating bodyguard.

Anya, wala siyang direktang pakikitungo kay Romualdez dahil kina Co at dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo lamang siya nakikipag-ugnayan.

DPWH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with