^

Police Metro

BARMM Grand Coalition inendorso si Sulu Gov. Sakur Tan bilang chief minister

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang coalition ng mayorya ng political parties sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay inendorso si Sulu governor Sakur Tan para tumakbong chief minis­ter sa kauna-unahang Bangsamoro Parliament elections sa 2025.

Nabatid na nagdesis­yon ang apat na political parties ng bagong tatag na BARMM Grand Coalition (BGC) - ang Salaam Party ni Gov. Tan, ang Bangsamoro People Party o BPP na pinangunahan ni Basilan Rep. Mujiv Hataman, ang Al Ittihad-UKB Party ni Sultan Kudarat formmer Gov. at ngayon ay TESDA Sec. Datu Suharto Mangudadatu; Serbisyong Inklusibo Alyansang Progresibo (SIAP) Party na pinamumunuan naman ni Lanao del Sur Gov. Bombit Adiong na suportahan si Gov. Tan para sa pinakamataas na position ng pamahalaan sa BARMM.

Dumating din si Maguindanao del Sur Gov. Bai Mariam Sangki Mangudadatu kasama ang libu-libong taga-suporta para ipahayag ang pag-endorso kay Gov. Tan. Karamihan sa mga lider na kasapi ng iba’t ibang political groups ay mga dating magkakatunggali noong mga nakaraang halalan sa Mindanao.

Ang pahayag para sa endorsement ng BGC para kay Gov. Tan ay inilahad ni Basilan Rep. Mujiv Hataman sa Gene­ral Assembly ng Salaam Party-BGC na ginanap sa Maimbung, Sulu nitong Sabado.

Nagpasalamat naman si Tan sa suportang binigay ng koalisyon sa kanya at sa pagtitiwala sa kanyang kakayahan na pamunuan ang BARMM.

vuukle comment

BANGSAMORO AUTONOMOUS REGION IN MUSLIM MINDANAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with