Trader pinagnakawan, tinodas
MANILA, Philippines — Patay na nang matagpuan dahil sa mga tinamong saksak sa iba’t ibang katawan ang isang negosyante nang pasukin ng tatlong magnanakaw at tangayin ang nasa P1.8 milyon halaga ng pera, alahas at mga kagamitan naganap kamakalawa sa Brgy. Burol Main, Dasmariñas City, Cavite.
Kinilala ang nasawi na si alyas Wil, nasa hustong gulang, residente ng Chester Place Subdivision, Brgy. Burol-Main, Dasmariñas City, Cavite, kilalang negosyante sa nasabing lugar.
Sa imbestigasyon, alas- 2:40 ng madaling araw ay dumating ang biktima sakay ng kanyang sasakyan na Toyota Hilux Conquest 2020 (DAT 1211).
Papasok na sa kanyang bahay para magparada nang sunggaban ng tatlong suspek at sumakay sa sasakyan ng biktima bago sinabihan na ituloy ang pagpasok ng bahay.
Nang makapasok sa loob ng bahay ang mga suspek ay iginapos ang biktima at misis nitong si alyas Annie.
Nilimas ng mga suspek ang pera, alahas at mahahalagang gamit sa loob ng bahay, alahas at pera na umaabot sa P1,800,000.00
Bago tumakas ang mga suspek ay inatado ng saksak ang biktima.
Agad namang humingi ng tulong ang Misis nito at dinala sa pagamutan ang biktima, subalit idineklarang dead on arrival.
- Latest