^

Police Metro

Army Major inutas ng tandemat

Doris Franche-Borja, Omar Padilla - Pang-masa
Army Major inutas ng tandemat
Sa report na tinanggap ni PCol. Relly Arnedo, Bulacan Police Director, nakilala ang biktima na si Maj. Dennis Naduja Moreno, 41,nakatalaga sa  AFP-RESCOM General Headquarters at naninirahan sa Brgy. San Roque, Angat, Bulacan.
STAR / File

Pinagbabaril sa opisina

MANILA, Philippines — Isang opisyal ng Philippine Army ang nasawi matapos pasukin ng isang lalaki sa kanyang opisina at pagbabarilin,kamakalawa ng hapon sa  Angat, Bulacan.

Sa report na tinanggap ni PCol. Relly Arnedo, Bulacan Police Director, nakilala ang biktima na si Maj. Dennis Naduja Moreno, 41,nakatalaga sa  AFP-RESCOM General Headquarters at naninirahan sa Brgy. San Roque, Angat, Bulacan.

Lumilitaw na nangyari ang krimen, alas-5:45 ng hapon nitong Sabado sa SEM278 Enterprises sa Brgy. Marungko, Angat, Bulacan.

Ayon sa pahayag ng sekretarya ng biktima, bigla na lamang pumasok sa opisina ang isang lalaki at binaril ng paulit-ulit ang opisyal.

Matapos ito’y mabilis na tumakas ang suspek at sumakay sa kulay itim na motorsiklo ng kanyang kasama na nagsilbing lookout.

Nabatid sa mga otoridad na posibleng may kinalaman sa negosyo nitong trucking ang motibo ng pamamaslang.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis habang sinisilip na rin ng mga otoridad ang mga CCTV sa lugar upang makatulong sa imbestigasyon sa pagkakakilanlan ng suspek.

Hustisya ang isinisigaw ng pamilya ng biktima at maging ng kanyang mga Mistah sa PMA Baghawi Class 2008.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with