^

Police Metro

PNP Chief Marbil, ‘di magdedeklara ng drug war

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Wala akong balak na magdeklara ng drug war sa ilalim ng aking panunungkulan.”

Ito ang tahasang sinabi ni PGen. Rommel Francisco Marbil, bagong talagang hepe ng Philippine National Police (PNP) sa ginanap na press briefing.

Anya, ang operasyon laban sa illegal drug ay nakadepende sa kung paano isasagawa ng kanyang mga tauhan ang operasyon.

Sinabi ni Marbil na tututukan nila ang mga solusyon at sistema upang makuha ang 100% drug-less community. Kahapon ay pinangunahan ni Marbil ang kauna-unahang command conference sa Camp Crame.

Aniya, trabaho ng pulis na linisin ang bansa mula sa problema ng illegal drugs kaya walang dahilan upang gumawa ng deklarasyon laban dito.

Binigyan diin ni Marbil na kailangan lamang niya ang accountability at transparency sa kanyang mga tauhan upang maging matagumpay ang kanilang   mga drug operations.

Bukod dito, hindi na kailangan pang magpaligsahan ng mga police station sa bilang ng kanilang nahuhuli sa anti-illegal drug operations sa kanilang nasasakupan.

Naglabas din ng kautusan si Marbil sa mga pulis na dapat na ipatupad ang mas maagang pagtanggap at pagharap sa mga hihingi ng tulong o magsasagawa ng anumang transaksiyon sa Camp Crame gayundin ang flag raising at mga parada.

Mahigpit din ipagbabawal ni Marbil ang pag-e-FB gamit ang cellphone sa oras ng duty at mas marami pang pulis ang ikakalat upang maramdaman ng publiko ang kanilang seguridad sa kalsada.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with