^

Police Metro

Babaeng tulak, itinumba sa Antipolo

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang hinihinalang babaeng tulak na kabilang sa barangay watch list ang itinumba habang naliligo sa loob ng kanyang bahay ng hindi pa tukoy na gunman sa Antipolo City, Rizal nitong Linggo.

Ayon sa Region 4A police, ang biktima ay kinilala sa alyas na “Rose” na naliligo bandang alas-3:00 ng hapon sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Cupang nang pumasok ang isang armadong lalaki at paulit-ulit siyang binaril gamit ang handgun.

Tumakas ang gunman matapos ang pamamaril at naiwan si Rose na dead on the spot.

Sa impormasyon mula sa mga opisyal ng barangay, si Rose ay may kaugnayan sa mga drug-related case.

Nakuha ng mga imbestigador ang ilang piraso ng drug paraphernalia sa basurahan sa bisinidad ng bahay ng biktima.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang pagkaka­kilanlan ng bumaril at motibo sa likod ng insidente.

Naglunsad na rin ng manhunt operation para maaresto ang gunman.

vuukle comment

DRUG PUSHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with