^

Police Metro

Transport group sa LTFRB: Expansion ng MC Taxi service, tigil na!

Angie dela Cruz - Pang-masa
Transport group sa LTFRB: Expansion ng MC Taxi service, tigil na!
Motorists were seen freely traveling along northbound and southbound portions of EDSA on March 24, 2024.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — “Itigil na ang expansion ng MC Taxi service sa bansa.”

Ito ang naging panawagan ng iba’t ibang grupo ng transportasyon mula sa samahan ng mga taxi, tricycle, bus,traditional at airconditioned  jeep, UV express at TNVS sa Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay Lito Legas­pi ng Nat’l Confederation of Tricycle Operators and Drivers Assn. of the Philippines (NACTODAP) na hindi naman tutol ang mga tricycle sa operas­yon ng MC Taxi Service pero hindi na dapat pang paramihin ang kanilang bilang.

Sinabi naman ni Ariel Lim ng Public Transport Coalition na dapat munang pag-aralan o rebyuhin ang nabanggit na alokasyon dahil marami ang maaapektuhan partikular ang mga driver ng tricycle, truck, modernize minibus, courier riders, maging ang mga taxi at bus drivers.

Umaabot na lamang anya ngayon sa P300 hanggang P400 ang take home pay ng mga driver ng taxi at umaabot na lamang sa P700 ang boundary na kulang pa sa maintenance fee ng sasakyan.

Umaasa ang mga transport groups na mabibigyan sila ng maayos na programa at mapapakinggan ang kanilang hinaing upang hindi mamatay ang kanilang kabuhayan.

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with