^

Police Metro

Benepisyo ng Bagong Pilipinas ramdam na ng publiko

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nararamdaman na umano ng publiko ang benepisyo ng Bagong Pilipinas kaya’t ipinagkibit-balikat ng mga kinatawan ng Kamara de Representantes ang patutsada ng ilan na wala umanong saysay ang isa sa mga pangunahing programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na Bagong Pilipinas campaign.

Ayon sa mga kongresista ang dapat tanungin ng mga kritiko ay ang mga taong nakinabang sa bilyun-bilyong pisong halaga ng cash assistance at livelihood program na dala ng Bagong Pilipinas campaign.

Sa pulong balitaan sa Kamara noong Huwebes, ipinagtanggol nina Deputy Majority Leaders Erwin Tulfo at Janette Garin, kasama si Anakalusugan Partylist Rep. Ray Reyes ang programa ng Pangulo.

Ayon kay Tulfo, kinatawan ACT-CIS partylist, ang inilunsad ni Pangulong Marcos ang Bagong Pilipinas campaign, sa pakikipagtulungan kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, bilang pagtupad sa pangako nito na ilalapit sa mga Pilipino ang serbisyo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Kasama rin sa Bagong Pilipinas program ang mga dagdag benepisyo sa Philhealth members tulad ng libreng mammogram at breast ultra sound sa mga kababaihan at iba pang libreng diagnostics exam simula ngayong Abril. Ang pagtataas ngayong katapusan ng Marso ng diskwento ng mga senior citizen at PWD sa grocery items ng P125 kada linggo mula sa P65 ay bahagi rin ng Bagong Pilipinas. Idagdag na rin ang paglalagda ng batas ni PBBM kamakailan na nagbabawal na sa mga eskwelahan na ipatupad ang “no permit, no exam policy”.

vuukle comment

BAGONG PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with