PAF fighter jets ilagay sa Palawan — Romualdez
MANILA, Philippines — Nais ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na magtalaga o magdestino ng dalawa o tatlo sa 12 fighter jets ng Philippine Air Force (PAF) sa Palawan.
Ito ay matapos ang isa na namang insidente ng pambobomba ng tubig at pagbangga ng China Coast Guard (CCG) ship sa Philippine resupply ship sa Ayungin Shoal kamakailan.
Sinabi ni Speaker Romualdez, “mayroon tayong 12 na fighter jets sa Basa Airbase sa Pampanga, baka pwede idestino ang dalawa o tatlo sa mga ito, para naman makapag-patrulya sa Philippine airspace at iba pang lugar around Palawan at iba ang feeling kapag alam mo na nasa taas mo yun kakampi.You feel secured.”
Ipapatawag ng house leader si AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner pati na ang mga hepe ng Airforce, Navy, at Army sa mga susunod na araw para pag-usapan ang nasabing plano.
Sang-ayon naman ang hepe ng Western Command na si Vice-Admiral Alberto Carlos sa plano ni Cong. Romualdez.
- Latest