^

Police Metro

Walang maiiwan, magugutom sa ‘Bagong Pilipinas’ – Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pang-masa
Walang maiiwan, magugutom sa �Bagong Pilipinas� � Pangulong Marcos
President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. operates a combined rice harvester during a ceremonial harvesting of palay and assistance distribution event in Barangay Mandili, Candaba, Pampanga on February 3, 2024.
Photos by KJ Rosales/The Philippines STAR

MANILA, Philippines —  Tiniyak kahapon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa sambayan na walang Pilipinong maiiwan at magugutom sa kanyang programang “Bagong Pilipinas”.

Ang paniniyak ay ginawa ng Pangulo sa kanyang talumpati sa ceremonial palay harvesting at distribution ng iba’t ibang ayuda sa mga magsasaka sa Candaba, Pampanga.

Ayon sa Punong Ehekutibo, mayroon nang modernong kagamitan at sapat na ayuda sa pamahalaan ng mga nasa sektor ng agrikultura. Malaking tulong din aniya ang kooperasyon ng bawat isa para lalong gumanda ang lagay ng Pilipinas.

Tiniyak din ng Pangulo na palalakasin pa ang pundasyon nito para masiguro na magiging masagan ang ani ng mga magsasaka

Nasa 12,000 magsasaka, 10 kooperatiba at asosasyon ang binigyan ni Pangulong Marcos ng hauling trucks, seeds, financial assistance at iba pang tulong. 

Samantala, sinaluduhan din ng Pangulo ang dedikasyon ng mga magsasaka.          

vuukle comment

BAGONG PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with