^

Police Metro

Dating pangulo ng CBCP, pumanaw

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa edad na 89, pumanaw na ang dating pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na si retired Archbishop Fernando Capalla.

Sa anunsyo ng CBCP, namatay si Capalla dahil sa “natural causes” dakong ala-1:38 ng madaling araw kahapon sa Davao City.

Nagsilbi si Capalla bilang pangulo ng CBCP mula 2003 hanggang 2005 at obispo ng Arkdiyoseses ng Davao sa loob ng 15 taon hanggang sa siya ay mag­retiro noong 2012.

Si Capalla ang “founding father” ng Bishops-Ulama Conferrence, isang interreligious na organisasyon na layong palakasin ang ugnayan ng mga Muslim at mga Kristiyano.

Naging lantad rin na kritiko si Capalla sa “war on drugs” ng administrasyong Duterte habang siya ay nagsisilbing arsobispo ng Davao.

vuukle comment

CBCP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with