^

Police Metro

Lalaki pinagsasaksak ng pinagmumurang ate

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Lalaki pinagsasaksak ng pinagmumurang ate
Sa ulat, naganap ang insidente sa Barangay, 176, North Caloocan, kung saan inabot sa loob ng bahay ng mga rescue workers ang biktima na may saksak sa balikat at itinakbo sa ospital.
STAR / File

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang nasugatan nang saksakin ng kanyang ate na kanya umanong minura habang sila ay nagtatalo, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakaratay sa ospital ang biktimang si “Pulong,” 36, habang ang suspek na naaresto ay nahaharap sa kasong frustrated homicide na kinilalang si “Sara,” 49.

Sa ulat, naganap ang insidente sa Barangay, 176, North Caloocan, kung saan inabot sa loob ng bahay ng mga rescue workers ang biktima na may saksak sa balikat at itinakbo sa ospital.

Nabatid malimit na mag-away at pinagmumura umano ng biktima ang suspek hanggang sa napuno na ang huli kaya’t inatado ng saksak ang una.

Hindi naman itinanggi ni Sara ang kanyang ginawa ngunit idinahilang self defense umano ito dahil sinaktan siya ni Pulong, at dahil siya ay babae.

vuukle comment

CRIME

STAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with