^

Police Metro

Grade 4 student kritikal sa hataw ng raketa ng amain

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 9-anyos na batang lalaki ang inoobserbahan sa ospital matapos na hatawin ng raketa ng badminton ng lasing na amain, kam­a­kalawa ng gabi sa Brgy. Culiat, Quezon City.

Ang biktima na nagtamo ng mga sugat sa ulo at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay isang Grade 4 student habang ang suspek na amain nito ay nakilalang si Reymark Del Carmen, 29.

Sa ulat, bago, alas-6:00 ng gabi ay nalaman ng suspek na nasa computer shop ang biktima kaya’t inutusan ang mga kalaro ng biktima na tawagin ito.

Sa paglabas ng computer shop ng biktima ay agad na ­pinaghahataw ng suspek ng badminton racket ang biktima sa ulo at katawan. 

Halos nawasak ang raketa at naawat naman ng mga kapitbahay ang suspek habang isinugod sa ospital ang biktima.Lumilitaw na  madalas na masaktan ng  suspek ang  biktima sa tuwing ito ay nalalasing.

Nahaharap ang suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children against Abuse, Exploitation, and ­Discrimination Act.

vuukle comment

BADMINTON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with