^

Police Metro

Kaso ng dengue sa Pinas, bumababa na

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniulat ng Department of Health (DOH) ang unti-unti nang pagbaba ng sakit na dengue sa bansa simula noong nakaraang buwan.

Ayon sa ahensya, naitala ang 10.96% na pagbaba o katumbas ng 12,169 mula October 15 hanggang October 25 kumpara sa 12,619 ng October 1-14.

Wala na ring rehiyon sa Pilipinas ang nakapagtala ng pagtaas ng kaso sa nakalipas na anim na linggo mula October 1 hanggang November 11.

Tanging ang mga Region 2, 5 at 7 na lamang ang may mga naiulat na mga bagong kaso ng dengue sa nakalipas na apat na linggo.

Sa mga bagong kaso na ito, 614 ang namatay na katumbas ng 0.34% na fatality rate.

Patuloy naman nananawagan ang DOH sa 5S strategy para labanan ang dengue. 1)Search and destroy; 2) Self-protect; 3) Seek consultation; 4) Support fogging sa mga outbreak areas; at 5) Sustain hydration.

vuukle comment

DENGUE

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with