^

Police Metro

P10.70 bilyong pondo ng OP lusot na sa panel ng Kamara

Joy Cantos - Pang-masa
P10.70 bilyong pondo ng OP lusot na sa panel ng Kamara
Stock photo of a peso money bill.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Tinapos sa loob lamang ng 40 minuto ng House Committee on Appropriations nitong Martes ang deliberasyon sa P10.70 bilyong panukalang pondo ng Office of the President (OP) para sa taong 2024.

Ito’y bahagi ng tra­disyon sa Kongreso na bigyan ng ‘parliamentary courtesy’ ang tanggapan ng pinakamataas na lider ng bansa.

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations, kinatawan ni Exe­cutive Secretary Lucas Bersamin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kasaluku­yang nasa Indonesia kaugnay ng ginaganap na 43rd ASEAN Summit doon.

Binigyang diin naman ni Appropriations Committee Chair Elizaldy Co, na hindi lang basta isang posisyon ang pagiging pangulo. Dahil nagsisilbi itong sentro ng pamamahala ng gobyerno. Kaya mahalaga ang pondo ng OP para magampanang mabuti ang mandato nito.

Iprinisinta naman ni Bersamin sa komite ang panukalang pondo ng exe­cutive branch para sa susu­nod na taon at kasunod­ nito ay agad namang nagmos­yon si Abra Rep. Ching Bernos para tapusin na ang deliberasyon na sinegundahan naman ng mga mambabatas.

Pinagbigyan naman ng pagkakataon ang miyembro ng Makabayan bloc na ilatag ang kanilang manipestasyon.

vuukle comment

PONDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with