Balasahan ipapatupad sa binakanteng posisyon ng 18 PNP opisyal

Ito ang inihayag ni  Philippine National Police (PNP) Chief Gen.Benjamin Acorda, Jr. kasunod nang pagtanggap ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. ng courtesy resignation ng 18 PNP officials at implementasyong pagsibak sa mga ito.
STAR / Ernie Penaredondo, file

MANILA, Philippines — Muling magpapatupad nang balasahan ang Philippine National Police (PNP) ahensiya upang mapunan ang puwesto na binakante ng 18 matataas na opisyal na sinibak.

Ito ang inihayag ni  Philippine National Police (PNP) Chief Gen.Benjamin Acorda, Jr. kasunod nang pagtanggap ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. ng courtesy resignation ng 18 PNP officials at implementasyong pagsibak sa mga ito.

Ayon kay Acorda, hindi magkakaroon ng vacuum sa liderato ng PNP dahil sa pagkawala ng 18 opisyal dahil mayroong nakalinya na pu­malit sa kanilang pwesto.

Naniniwala si Acorda na hindi makakaapekto sa morale ng mga tauhan ng PNP ang pagkakatanggal sa serbisyo ng 18 matataas na opisyal dahil nauunawan ng karamihan sa kanilang hanay na ito ay bahagi ng paglilinis ng organisasyon.

Sinabi pa ng PNP chief na ang paghingi ng courtesy resignation ng mga 3rd level officers bunsod ng kontrobersiya sa iligal na droga ay isang hamon na kusang-loob namang tinanggap ng mga opis­yal.

Show comments