Gunman ni Cong. Teves, utas sa shootout

Kinilala ang nasawi na si Alex Mayagma, residente ng Brgy. Minaba, Bayawan City, Negros Orien­tal at top 1 most wanted person sa rehiyon.
STAR / File

MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang isa umanong gunman ni suspended Negros  Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr., nang manlaban nang silbihan ng arrest warrant nitong Lunes sa isang farm sa Bayawan City, Negros Oriental.

Kinilala ang nasawi na si Alex Mayagma, residente ng Brgy. Minaba, Bayawan City, Negros Orien­tal at top 1 most wanted person sa rehiyon.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, alas-10:55 ng gabi habang inihahain ang warrant of arrest kay Mayagma sa Brgy. Malabugas, Bayawan City, Negros Oriental ay bigla na lamang umanong pinutukan ang mga otoridad.

Kaya’t gumanti ang mga otoridad at napatay si Mayagma.

Si Mayagma ay may apat na warrants of arrest para sa kasong murder sa nabanggit na lalawigan na sangkot umano sa mga patayan sa Negros Oriental.

Lumilitaw na may kaso ring illegal possession of firearms, at paglabag sa Commission on Elections (COMELEC) gun ban noong 2022 elections si Mayagma. 

Show comments