Misis pumalag sa rape, inatado nang saksak

MANILA, Philippines — Isang 33-anyos na misis ang nasawi nang pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay nang pumalag sa tangkang pang­hahalay nito naganap, kamakalawa sa Zone-2, Brgy. La Purisima, Bula, Camarines Sur.

Kinilala ang nasawi na si Rosie Bolival na nagtamo ng mga saksak sa kaliwang bahagi ng dibdib.

Agad na naaresto ang suspek na nahaharap sa patung-patong na kaso na kinilalang si Alex Baluca Paelma, 42, may-asawa, kapwa residente ng naturang lugar.

Sa ulat, alas-6:20 ng umaga ay nasa loob ng kanilang bahay ang biktima nang pumasok ang suspek na armado ng patalim.

Nabatid na matagal na umanong pinagnanasaan ng suspek ang biktima kaya’t tinangka niyang gahasain.

Nanlaban ang biktima dahilan para pagsasaksakin na agad nitong ikinasawi.

Show comments