^

Police Metro

Pinas mag-aangkat na ng bigas

Gemma Garcia - Pang-masa
Pinas mag-aangkat na ng bigas
Workers lift sacks of rice which will be stored at a warehouse along Dagupan Street in Tondo, Manila on June 26, 2023.
STAR/Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Magsisimula na ang Pilipinas na umangkat ng bigas bilang paghahanda sa epekto ng El Niño at ng super typhoon Egay.

Sa situation briefing sa mga lokal na opisyal ng Tuguegarao, sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na nag-aalala siya sa suplay ng lokal na bigas matapos mapaulat ang danyos sa agrikultura dulot ng bagyong Egay.

Giit ni Marcos, kaila­ngang palakasin ang stocks ng bigas para masiguro na handa ang Pilipinas sa epekto ng El Niño sa agrikultura kaya hihingi sila ng supply deal sa India.

Paliwanag pa ng pa­ngulo na iniisip niya ang national supply ng bigas dahil inimport ito lahat ng Indonesia at nagsara ang Vietnam gayundin ang India, subalit sa ti­ngin umano niya ay maari siyang makipag-deal sa India at mayroong mapakiusapan dito.

Sa ngayon ay dapat na magsimulang mag-angkat dahil lahat ay naghahanda na para sa El Niño na kung saan ang lahat ng Southeast Asia ay sabay-sabay nagbibilihan.

Inamin ng Chief Exe­cutive na labis siyang nag-aalala na kahit pa umangkat ng bigas ang bansa ay maaari pa ring tumaas ang presyo nito.

Inabisuhan naman ni Marcos ang mga lokal na pamahalaan na magsumite ng detalyadong reports tungkol sa agriculture da­mage at sa pangangaila­ngan ng mga magsasaka.

Maaari rin umanong magbigay ang Department of Agriculture (DA) ng palay, corn at high-value crops seedlings sa mga magsasaka bilang suporta sa kanila.

vuukle comment

EGAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with