^

Police Metro

DPWH driver bulagta sa road rage!

Joy Cantos - Pang-masa
DPWH driver bulagta sa road rage!
Kinilala ng Santa Maria Police ang biktima na si Eddie de Claro na agad nasawi dahil sa nasawi sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang driver ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos pagbabarilin ng isang trike driver dahil lamang sa simpleng alitan sa trapiko sa Brgy. Parang ng Buho, Santa Maria, Laguna nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ng Santa Maria Police ang biktima na si Eddie de Claro na agad nasawi dahil sa nasawi sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan.

Patuloy namang pinag­hahanap ang hindi pa nakilalang salarin na mabilis na tumakas sakay ng minamaneho nitong tricycle matapos pagbabarilin ang nasabing biktima.

Sa ulat ng CALABARZON Police, nangyari ang insidente sa kahabaan ng highway ng Barangay Parang ng Buho, Santa Maria ng lalawigang ito.

Ayon sa imbestigasyon, nakagitgitan ng behikulo ng biktima ang tricycle ng suspect kung saan nagkaroon  ng mainitang argumento ang dalawa.

Sa kainitan ng pagtatalo, biglang bumunot ng baril ang suspect at pinaputukan ng sunud-sunod ang nasabing DPWH driver na bagama’t nagawa pang maisugod sa pagamutan ay nabigo nang mailigtas ang kanyang buhay.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril patungo sa direksiyon ng Brgy. J. Santiago, Santa Maria, Laguna.

vuukle comment

DPWH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with