^

Police Metro

Public apology ng Kuwait sa pagkamatay ni Ranara, hirit

Gemma Garcia - Pang-masa
Public apology ng Kuwait sa pagkamatay ni Ranara, hirit
Ang labi ng OFW na si Jullebee Ranara nang dumating sa PAIR-PAGS Center sa Pasay City mula sa Kuwait nitong Biyernes ng gabi.
Miguel de Guzman / File

MANILA, Philippines — Nais ni Senador Raffy Tulfo na mag-public apology ang gobyerno ng Kuwait sa pamilya ng overseas Filipino worker (OFW) na si Jullebee Ranara na brutal na pinatay ng anak ng kanyang amo sa nasabing bansa.

Ayon kay Tulfo, ang hirit na public apology ay kabilang sa mga nakalatag nitong mga kondisyones para sa gobyerno ng Kuwait kasabay ng panawagan niyang magpatupad ang pamahalaang Marcos ng “total deployment ban” sa mga first-timers na OFWs sa Kuwait.

Sinabi ni Tulfo, mas mabuting humingi muna ng paumanhin sa publiko ang pamahalaang Kuwait sa ginawa ng isa sa kanilang mamamayan na pagpaslang kay Ranara upang sa gayon ay mapukaw umano sa isipan ng mga residente roon na seryoso na ang problema dahil mismong ang gobyerno na nila ang humihingi ng paumanhin sa nangyaring krimen.

Pangalawa sa mga kondisyong hinihingi ng senador ay ang pagkakaroon ng pre-screening, assessment at evaluation sa mga employers kasama ang mga kapamilya na nasa iisang household.

Ikatlo ay ang pagkakaroon aniya ng pre-engagement orientation seminar para sa two-way na pagkilala kung saan inaalam din dapat ng mga employers ang kultura at kaugalian ng mga Pilipino hindi iyong mga OFWs lang ang nag-aaral tungkol sa mga magiging amo nila sa nasabing bansa.

Pang-apat ay dapat magsagawa ng mga bilateral talks at bubuo ng association ng mga employers at association ng mga OFWs kasama ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Foreign Affairs (DFA) kung saan regular na mag-uusap tungkol sa mga umiiral na problema sa mga OFWs at maglalatag ng mga solus­yon sa nasabing suliranin.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with