^

Police Metro

Gen. Durante, Army Colonel isasalang sa court martial

Joy Cantos, Doris Franche - Pang-masa

Sa Yvonne Plaza murder case…

MANILA, Philippines — Nasa kustodiya na ng Philippine Army (PA) si P/Brig. Gen. Jesus “Jess” Durante at isang Army Colonel na tinukoy na mastermind sa pagpatay sa negos­yanteng modelo sa Davao City noong Disyembre 29 ng nakalipas na taon.

Ayon kay PA Chief Lt. Gen. Romeo Brawner Jr., si Durante at Col. Michael Licyayo ay kapwa nahaharap sa kasong murder at obstruction of justice sa pagkamatay ng biktimang si Yvonnette “Yvonne” Chua Plaza, 38-anyos.

“Sa ngayon, si Ge­neral Durante at Colonel Licyayo ang nandito sa amin, nandito sa headquarters ng Philippine Army. ‘Yung iba naman, for example, yung nagsabi na siya po yung gunman ay nandun sa custody ng PNP,” pahayag ni Brawner.

Sinabi ni Brawner na si Durante ay isinailalim sa kustodya ng Philippine Army, isang araw matapos na sibakin ito sa puwesto bilang Commander ng Army’s 1001st Infantry Brigade (IB) na nakabase sa Davao de Oro gayundin si Licyayo, na Deputy Commander naman ng heneral matapos na lumitaw na si Durante ang utak sa krimen habang si Licyayo naman na kabilang rin sa natukoy na ‘persons of inte­rest‘ ang nag-utos ng surveillance operation at bumuo ng team ng ilang mga sundalo at dalawang sibilyan na nagsakatuparan ng paglikida kay Yvonne.

Ayon kay Brawner, bahagi ito ng preparas­yon bilang paghahanda sa General Court Martial ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa nasabing mga opisyal habang gumugulong din ang kasong kriminal laban sa mga ito sa korte.

Bukod kay Durante at Licyayo, kabilang pa sa mga isinasangkot sa krimen ay sina Staff Sgt. Gilbert Plaza (walang relasyon sa biktima); Sgt. Delfin Sialsa Jr; Cpl Adrian Cachero, Pfc Rolly Cabal, Pfc Romart Longakit ; Noel Japitan, isang tinukoy na Junior at isang kinilala lamang na isang Master Sgt.

Lumilitaw sa imbes­tigasyon ng binuong Special Investigation Task Group (SITG) Yvonne na may lihim na relasyon umano si Durante at may hawak itong sensitibong impormasyon na ipinapam-blackmail sa sinibak na opisyal na ugat ng krimen.

Magugunita na si Plaza ay pinagbabaril dakong alas-7:30 ng gabi noong Disyembre 29, 2022 habang kabababa lamang sa sports utility vehicle nito at papasok na sa kanilang tahanan sa Buttercup Street, Purok 18, Green Meadows Subdivision, Brgy. Sto. Niño, Tugbok District, Davao City kung saan agad itong namatay  matapos mapuruhan ng mga tama ng bala sa ulo.

Ayon pa kay Brawner, irerespeto nila ang pro­seso ng batas at pahihintulutan sina Durante, Lic­yayo at iba pang sundalo na sangkot sa krimen na maghain ng kanilang counter affidavit sa kasong kinakaharap ng mga ito.

vuukle comment

PHILIPPINE ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with